CamSur Gov. Lray Villafuerte at Bikol Govs Tutol sa Pagpapatigil sa Impeachment

Posted: February 15, 2012 in Uncategorized
Tags: ,

Petition for TRO on Impeachment goes to an Arroyo appointed Associate Justice

Camarines Gov. Lray Villafuerte and Bikol governors oppose SC TRO on Corona foreign currency deposits

Nanganganib na mapatigil ang impeachment trial ni Chief Justice Corona dahil sa isang petisyon na isinalang ng defense counsel sa Supreme Court.

Nitong hapon lamang na ito, nabatid na napunta sa sala ni Supreme Court Associate Justice Martin Villarama ang petition ni Corona na naglalayong ipatigil ang impeachment trial.  Appointee ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Villarama at siya ang huling appointee sa Supreme Court na bumuo ng sinasabing Arroyo Court.

Kaninang umaga lamang nadinig ang tinig ng ilang gobernador ng Bikolandia sa pangunguna ni Camsur governor Lray Villafuerte.

Ayon sa maikling panayam sa DZMM kay Gerry Baja at Anthony Taberna, nag-meeting si Villafuerte kasama si  Edgardo Tallado (Camarines Norte), Raul Lee (Sorsogon), Rizalina Seachon-Lanete (Masbate), Joseph Cua (Catanduanes), at Joey Salceda (Albay).  Nagkaisa diumano ang mga governor na tutulan ang pagpapatigil sa impeachment ni Corona.

“Ang tao’y interesado pong malaman kung karapatdapat pa bang manatiling Chief Justice si Renato Corona.  Ito ang pulso ng mga tao sa Bikolandia.  Nagmeeting po kaming mga governors, at napagkaisahan po namin na dapat ituloy ang impeachment trial ni  Corona kung gusto pong patunayan ng ating chief justice na siya po ay inosente,” Ayon sa transcription ng panayam kay Villafuerte.

Wari namang bahagyang tinuya ni Villafuerte ang nakikitang pagkabig ng ilang senador pabor sa pagtatago ng ebidensyang magdidiin kay Corona.

“Yung akusasyon po ng depensa na iniimpluwensyahan po ang mga senador ay very unfair, mali po yan. Sana po magpresent po sila ng facts.

“Napaka independent at fair po ng mga senador, kita niyo naman at nagbotohan po sila para i-respect ang TRO ng Supreme Court sa pagbubukas ng foreign currency deposits ni Corona.

“Pangalawa, gustong ipatawag ng prosekusyon ang apat na justices as witnesses dun sa isang article of impeachment, sabi po ng isang senador huwag po nating ipatawag yan kasi merong separation of powers ang legislative at executive.

“Yung pinapatawag po ang pamilya ni chief justice corona, sabi po nila eh hindi po, huwag na.  So napaka-fair po ng mga senador.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s